TERRIJANE BUMANLAG
TINIYAK ni Agriculture Secretary William Dar na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa partikular sa Metro Manila kahit na na-extend ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Sinabi ni Dar na walang kakapusan ng suplay at sapat ang mga pagkain lalo na ng bigas dahil bukod sa may imbak na bigas ang National Food Authority (NFA) ay panahon ng anihan ng mga magsasaka ngayon.
Ayon pa sa kalihim, mayroon ang bansa ng rice supply na tatagal ng siyamnapu’t apat na araw, produktong mais na tatagal ng dalawandaan at tatlumpu’t apat na araw, mga pagkaing dagat tulad ng isda, mga gulay, poultry supplies na tatagal ng hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre, gayundin ang itlog, processed meat products at ducks.
Stable din umano ang meat supply ng bansa bukod sa manok ay sapat ang pork products.