CRESILYN CATARONG
KINUMPIRMA ni Gillian anak, ni dating Finance Secretary at Prime Minister Cesar Virata sa kanyang facebook post na nakauwi na ang kanyang ama matapos ma-ospital at sumailalim sa treatment sa COVID-19 at iba pang kumplikasyon.
Isinugod umano nila ang kanilang ama sa ospital matapos dumanas ng stroke mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas, at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.
Ang 89-anyos na si Virata ang isa sa pinakamatandang COVID-19 positive patients na nakarekober mula sa impeksyon kung saan nanilbihang ito bilang finance secretary at punong ministro ng bansa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.