Davao Mayor Sara Duterte, pinayagan ang pagbiyahe ng mga tricycle at taxi
CRESILYN CATARONG
PINAYAGAN bumiyahe ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga taxi at tricycle basta’t hanggang dalawang pasahero lang ang isasakay alinsunod sa “physical distancing” measure.
Depensa pa ng alkalde sa kanyang desisyon, kung pagbabawalan niyang pumasada ang mga tricycle at taxi ay malalagay sa mahirap na sitwasyon ang kanilang syudad dahil mapipilitan ang mga residente nilang maglakad ng higit 20 kilometro para lamang makabili ng pagkain at ibang pangangailangan.
Nakahanda naman aniya siyang humarap sa imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government o DILG at National Bureau of Investigation o NBI.