YNA MORTEL
HANGGANG ngayong araw na lamang ang deadline sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) bilang tulong pinansiyal para sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahigpit ang kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal government unit na kailangang matapos hanggang ngayong katapusan ng Abril.
Mahaharap naman sa kasong administratibo at criminal sanctions ang sinumang opisyal na hindi nagampanan ang trabaho.