Desisyon sa postponed regular season ng NBA, posibleng abutin pa ng Mayo
JAMES LUIS
IPINAHAYAG ni NBA Commissioner Adam Silver na maaaring abutin pa ng Mayo bago makabuo ng kongkretong desisyon ang liga kung anong gagawin sa natitirang postponed regular season ng NBA.
Sa pahayag ni Silver sa official twitter account ng NBA, sinabi nito na hindi muna maaaring gumawa ng kahit na anong hakbang ang asosasyon ngayong buwan ng Abril dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Sa huli ay sinabi ng commissioner na bagaman nais na din nilang ipagpatuloy ang naudlot na season ay kailangan nilang unahin ang kaligtasan ng karamihan.
Matatandaan na ang NBA ang kauna-unahang major- U.S. pro league sport na nakansela dahil sa banta ng COVID-19 matapos na magpositibo ang isa sa mga manlalaro nito.