MJ MONDEJAR
‘DISIPILINA’, ito ang pakiusap ni Anak-Kalusugan Partylist Representative Mike Defensor sa publiko sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 lockdown.
Aniya, kung patuloy lamang ang taumbayan sa hindi pakikiisa sa mga alituntuning nakapaloob sa enhanced community quarantine ay walang mangyayari sa bansa.
Giit pa ni Defensor na nasasayang lang ang ginagawa ng national government maging ng mga LGU kung magpapasaway lang ang ilan nating mga kababayan. Maawa umano ang mga ito sa gobyerno lalong-lalo na sa mga health workers na halos dalawang araw na nagdu-duty para lang matugunan ang pangangailangang medikal ng bansa.
Aniya, sa panahong ito ay ikonsidera na lamang nila ang kanilang mga mahal sa buhay.