SAM GUTTIEREZ
LABIS na ikinalungkot ng TV host na si DJ Mo twister ang pagkamatay ng kanyang brother-in-law dahil sa COVID-19.
Kinumpirma ng asawa ni DJ Mo na si Angelika “Angelicopter” Scheming na hindi pinalad na maka-survive ang kanyang kapatid na si Francis matapos mag-positibo sa coronavirus.
Idinaan ng kontrobersyal na host sa kanyang good times with Mo DJ sa Instagram kung gaano siya naapektuhan ng pagkawala ng
kanyang kapamilya.
Ayon pa kay Mo Twister, sana raw ay naging doktor na lang ito para marami siyang nagawa para sa kapatid ng kanyang asawa.
Nauna rito, nag-post din sa facebook ng kanyang mensahe si Angelika para sa pumanaw na kapatid.