CRESILYN CATARONG
INILABAS na ang Administrative Order No. 2020-0013 ng Department of Health (DOH) kung saan alinsunod ito sa guidelines ng World Health Organization (WHO) ang pagpapalit sa mga klasipikasyon ng patients under investigation (PUI) at patients under monitoring (PUM) bilang “suspect,” “probable,” at “confirmed” case.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual presser ng DOH, na ang pagbabago na ito sa mga termino ay magbubunga ng expansion sa healthcare services kung saan ituturing na “suspected” case ang indibidwal kung siya ay may mga sintomas gaya ng lagnat, ubo at pananakit ng lalamunan.
“Close contact” ang tawag sa mga direktang nag-alaga sa mga nag-positibo o probable case ng COVID nang walang suot na ppe. Itinuturing namang “probable” ang isang suspected case kung hindi tiyak ang naging resulta ng COVID-19 testing nito.
“Confirmed” case naman ang tawag sa mga nag-test positive matapos sumailalim sa RT-PCR test na ginagawa ng opisyal na laboratoryo.