MELROSE MANUEL
HINDI na COVID-19 free ang Caraga Region matapos makapagtala ang rehiyon ng kauna-unahang kaso ng sakit na kinumpirma ngayong umaga ng Philippine Information Agency Caraga.
Ayon kay DOH Caraga Regional Director Dr. Jose Llacuna Jr., isang 68-anyos na lalaki ang pasyente mula Butuan City at may diabetes na may chronic obstructive lung disease kung saan mayroon din aniyang travel history ang pasyente sa Maynila noong ikatlong linggo ng Marso.
Ayon kay Dr. Llacuna na naka-admit ang pasyente sa isa sa mga major hospital sa rehiyon simula pa noong Marso 25 matapos magkalagnat, sore throat at ubo.