TERRIJANE BUMANLAG
HINDI maituturing na final at valid ang resultang lalabas gamit ang mga rapid antibody test kits para sa COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).
Kasunod ito ng desisyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na mag-angkat ng nasabing test kits para makatulong sa hakbang ng gobyerno sa paglaban sa pagkalat ng virus.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit gumamit ng rapid antibody test kit ang isang suspected case ay dapat pa ring sumailalim ito sa test gamit ang RT-PCR kits.
Dagdag pa nito na kahit negative ang lumabas na resulta sa rapid test kit ay maaaring positibo pa rin ang pasyente sa COVID-19 at hindi maaaring bilhin o basta gamitin lang ng isang tao ang mga rapid antibody test kits.