MELODY NUÑEZ
PATULOY ang pamamahagi ng Department of Health sa Northern Mindanao ng mga personal protective equipment at health commodities sa lahat ng mga health worker sa iba’t ibang mga health facility sa rehiyon.
Naniniwala ang ahensya na sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksyon sa mga health worker ang isa sa mga paraan upang malabanan ang COVID-19 sa bansa.
Kaya naman, bilang pag-alala sa mga buhay ng mga frontliner, ini-engganyo ng DOH ang mga tao na patuloy na sundin ang mga protocol na pinapagawa ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 at masalba ang buhay ng mga nakalagay sa alanganin, walang iba kundi ang mga frontliner.