TERRIJANE BUMANLAG
INILUNSAD ng Philippine General Hospital (PGH) ang sistemang “e-dalaw” o electronic dalaw para sa kanilang mga pasyente ng COVID-19 para maibsan ang lungkot ng mga pasyente, ayon kay Dr. Home Go, Coordinator for Health Operations ng ospital.
Sa naturang sistema, makaka-video call ng mga pasyente ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon naman kay Melanie de Asis, social welfare officer ng Manila-based hospital sa PGH, ang e-dalaw ay isa rin umanong paraan para makita ng mga pamilya ang lagay ng kanilang pasyente at mabawasan kahit papaano ang kanilang pag-aalala.
Bibigyan ng 40 minuto ang mga pasyente para makausap ang kanilang mga mahal sa buhay.