SAM GUTIERREZ
PUMANAW na ang jazz singer na si Ellis Marsalis sa edad 85 matapos na madapuan ng coronavirus ayon sa anak nitong si Brandford.
Ayon kay Brandford, nagkaroon ng kumplikasyon mula sa coronavirus ang ama na sanhi ng kamatayan nito.
Kilalang musician at guro sa US si Marsalis na tumagal ng ilang dekada. Ipinanganak noong Nobyembre 1934 sa New Orleans ang lugar ng mga jazz musicians.
Samantala, binawian na rin ng buhay ang award winning songwriter na si Adam Schlesinger sa edad na 52 matapos tamaan ng COVID-19.
Si Schlesinger ay tumanggap ng mga parangal mula sa Grammy at Emmy awards dahil sa kaniyang mga nilikhang musika.