Errol Spence Jr., gustong makalaban sina Manny Pacquiao at Terence Crawford
JAMES LUIS
PINAHAYAG ni Unified Welterweight Champion Errol Spence Jr. na nais niyang makasagupa sinuman kina Pinoy Ring Icon Manny Pacquiao at Terence Crawford.
Target sana ni Spence na makabalik sa ring sa Hulyo o Agosto, ngunit naurong dahil sa COVID-19.
Aniya ngayong nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon para mabuhay matapos makarekober mula sa kinasangkutang car accident noong Oktubre ng nakalipas na taon ay handa siyang tanggapin ang mga hahamon sa kanya sa welterweight division.
Sinabi ni Spence na sa edad ni Pacquiao ay hindi pa naman masyadong matanda para sa boxing.
Umaasa rin ang Welterweight Champion na matutuloy ang bakbakan nila ng kaniyang mandatory challenger na si Danny Garcia ngayong taon o sa 2021.