MELROSE MANUEL
WALANG exempted sa ipinatutupad na ‘No Motorcycle Back Riding’ policy sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019.
Ito ang binigyang-diin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) batay na rin sa nakapaloob sa guidelines na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Interior and Local Government.
Ayon sa MMDA, maging ang mga frontliners sa gitna ng banta ng COVID-19 ay hindi rin exempted sa naturang polisiya.
Ito ang naging pahayag ng MMDA matapos magviral sa social media ang pagsita ng traffic enforcer sa isang motorcycle rider na ibiniyahe papuntang ospital ang kanyang sister-in-law na isang medical worker dahil sa kawalan ng transportasyon.