YNA MORTEL
NAGLAAN ng fuel subsidy program ang Department of Transportation o DOTr sa mga bus companies and partners na kasama ngayon sa DOTr free ride for health workers program.
Katuwang sa programang ito ng pamahalaan ang Phoenix Petroleum Philippines, Inc.
Sa inisyal na implementasyon ng programa, nasa 60 private bus companies ang mabibigyan ng alokasyon na 50 litro ng gasolina araw araw.
Para ma-avail ang subsidiya, kailangan lamang na magkaroon ang mga kumpanya ng hindi bababa sa dalawang roundtrips kada araw.
Nasa pitong Phoenix Fuel Stations naman na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang magbibigay ng libreng gasolina sa mga kwalipikadong bus units.