MELROSE MANUEL
UMABOT na sa 352.7 billion pesos ang nailalabas na pondo ng pamahalaan para sa paglaban kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III sa ginanap na national address ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ngayong umaga.
Sa naturang halaga, kasama na rito ang social amelioration fund program (SAP) ng pamahalaan at iba’t ibang ayuda at suporta ng gobyerno para labanan ang COVID-19.
Samantala, sanhi ng health crisis, bumaba na ang tax collection ng bansa at mula sa savings ng pamahalaan na lamang ang ginagastos upang mapunan ang mga kakulangan sa budget para sa paglaban sa COVID-19 .
Dagdag pa ni Dominguez, sufficient naman ang cash ng pamahalaan ngunit kukulangin na ang budget allowance ng gobyerno.