MELROSE MANUEL
NILINAW ni Education Secretary Leonor Briones na ipagpapaliban lamang ang graduation at iba pang end-of-school rites bunsod ng COVID-19 pandemic.
Wika nito na hindi ito ang unang pagkakataon na walang isinagawang graduation ceremonies dahil nagkaroon na rin ng kahalintulad na mga hakbang dahil sa mga nangyaring mga sakuna.
Dagdag pa nito na matatanggap pa rin ng mga estudyante ang kanilang mga diploma o certificates at records sa school.
Nakasaad sa isang memorandum ng DepEd na maaaring konsultahin ang parents-teachers association (PTA) ng mga paaralan sakaling i-reschedule o kanselahin ang graduation ceremonies.