CRESILYN CATARONG
KABUUANG 1,950 hospital beds ang maaaring magamit sa ginawang conversion ng pamahalaan sa tatlong pasilidad para gawing health facility sa gitna ng patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.
Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, na sa darating na Abril 10 matatapos na ang conversion ng Philippine International Convention Center o PICC sa Pasay na may 700 kama.
Sa Abril 10 din matatapos ang pag-convert ng Rizal Memorial Stadium na kayang mag-accommodate ng 600 na pasyente.
Habang ang World Trade Center naman ay matatapos ang conversion sa Abril 12 na may 600 hospital beds.
Samantala, maliban sa naturang tatlong pasilidad, nakatakdang i-convert din bilang health facilities ang Quezon Institute, PhilSports Arena, Duty Free Parañaque, at Veterans Memorial Medical Center.