JAMES LUIS
NAKATANGGAP ang halos 200,000 manggagawa ng cash assistance mula sa assistance program ng gobyerno upang mapigilan ang masamang dulot ng National Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19.
Base sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) nasa P622 milyon na ang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng COVID Adjustment Measures Program (CAMP) at ng Tulong Panghanapbuhay sa Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) –Barangay Ako Bahay Ko Program (BKBK) program.
Simula noong ika-4 ng Abril, nasa 102,895 na formal sector workers na ang nakatanggap ng P5, 000 cash assistance sa ilalim ng CAMP habang nasa halos 80,000 na manggagawa na sa informal sector ang nakinabang mula sa TUPAD BKBK program.
Matatandaan na nagbigay din ng direktiba si Labor Secretary Silvestre Bello III na huwag masyadong higpitan ang paghingi ng requirements mula sa mga benepisyaryo upang maproseso ang kanilang cash assistance.