MELODY NUÑEZ
UMAABOT na sa 766 ang bilang ng mga health care worker sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa naturang bilang, 339 dito ay mga doktor habang ang 242 ang ma nurse.
Aniya ang nasabing bilang ng mga infected health workers ay tatlong beses na mas mataas sa unang report ng DOH noong Abril a-8 na 252.
Aabot na rin sa 22 ang bilang ng mga health workers na namatay sa kasagsagan ng pagsisilbi sa bayan para labanan ang naturang virus o halos anim na porsiyento ng lahat ng namatay sa COVID-19.
Sa datos ng DOH, 409 na ang lahat ng mga namatay sa virus, habang nasa 6,259 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa at 487 na ang gumaling.