JHOMEL SANTOS
NAKATANGGAP na ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ang mahigit 12,454 na drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) sa bansa.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabilang dito ang mga drivers ng jeepneys, taxis, buses, motorcycle taxis, at transport network vehicle services, at iba pa.
Pinangunahan naman ng DSWD ang distribution ng cash assistance sa mga PUV drivers katuwang ang DOTR, LTFRB, at Land Bank of the Philippines mula noong Abril a-7.
Sa ilalim ng naturang programa, ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga mula sa P5,000 hanggang P8,000 depende sa regional minimum wage rate.
Matatandaan na sinuspinde ang mass transport operations nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa enhanced community quarantine upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.