MELROSE MANUEL
NAKAPAGTALA ng 291 bagong kaso ng COVID-19 sa pinakahuling datos ang Department of Health (DOH), kung saan umaabot na sa 5,223 ang confirmed cases sa bansa.
Sa nasabing bilang, nasa 295 na ang gumaling matapos makapagtala ang DOH ng pinakamataas na reported recoveries na 53 mula sa naturang sakit.
Umakyat naman sa 335 ang mga nasawi dahil sa komplikasyon sa coronavirus kung saan kabilang sa mga bagong namatay ang isang 29-month old baby na pinakabatang fatality dahil sa COVID-19 na nagmula sa lalawigan ng Batangas.