MELROSE MANUEL
IPINAG-UTOS ng Presidential Security Group na sumailalim sa rapid test ang lahat ng lalapit kay Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ito ang ipinahayag ni PSG Commander Col. Jesus Durante na lahat nang makikipag-usap sa Pangulo ay sasailalim sa screening procedures upang matiyak na hindi ito magkakaroon ng COVID-19.
Aniya, walang exempted sa procedure na gagawin kabilang ang mga high-ranking government officials, PSG troopers, at mga closed-in security ng Pangulo.
Ang mga magpo-positibo sa test ay hindi papayagang makapasok sa pasilidad kung nasaan ang Pangulo lalo na kung kakikitaan sila ng lagnat at iba pang sintomas ng COVID-19.
Nilinaw din ng PSG na ang resulta ng rapid test ay hindi “definite” at “absolute” dahil kailangan pa rin nito ang kumpirmasyon ng RT-PCR test na ginagawa sa RITM.