MARGOT GONZALES
NAGPATUPAD ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.
Sa abiso ng Shell, Seaoil at Caltex, nasa limampu’t limang sentimos ang dagdag-singil sa kada litro ng kanilang gasolina at labinlimang sentimos naman sa kada litro ng kanilang diesel habang dalawampung sentimos ang bawas-singil sa kada litro ng kanilang kerosene.
May kapareho ring oil price hike sa gasolina at diesel ang Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines at PTT Philippines.
Epektibo ang price adjustment ngayong alas sais ng umaga maliban sa Caltex na nauna nang nagpatupad kaninang alas 12:01 ng madaling araw.