POL MONTIBON
HINDI dapat ikabahala ng publiko ang mas istriktong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.
Aniya hindi ito martial law kundi pinaiigting na preventive measure laban sa COVID-19.
Marami pa kasi aniya ang mga lumalabag sa protocols na ipinatutupad sa ilalim ng ECQ kung saan magtatalaga rin ang AFP ng walong-daang army reservists para tutulong sa pagpapatupad nito.