JAMES LUIS
NANGAKO ang dating manlalaro ng NBA na si Jeremy Lin na magdodonate ng isang milyong dolyar na tulong para sa coronavirus relief efforts kung saan mula sa kalahating milyong dolyar na una nitong ipinagkaloob ay daragdagan niya ito ng kalahating milyong dolyar.
Matatandaan na binatikos din ng kauna-unahang Asian-American NBA Champion si U.S. President Donald Trump matapos nitong tawaging Chinese disease ang COVID-19. Aniya, sana ay maprotektahan nito ang mga taong maaapektuhan ng ‘racism’ na isinusulong nito.
Dagdag ni Lin, ang kanyang donasyon ay isa lamang simpleng paraan upang masuportahan ang mga organisasyon na nagtatrabaho sa kalagitnaan ng krisis laban sa naturang pandemic.
Si Lin ay kasalukuyang naglalaro para sa Chinese Basketball Association sa ilalim ng Beijing Ducks.