LUIS JAMES
MAARI nang makabili online sa Kadiwa Program ng Department of Agriculture (DA) matapos buksan ng ahensya ang Kadiwa online na maaring ma-access sa dalawampu’t limang lungsod sa Kamaynilaan.
Layon nito na mapadali ang transport at delivery ng mga pangunahing pangangailangan at mahikayat ang local government units na mamahagi ng masustansyang pagkain upang mabawasan ang pagkunsumo sa mga canned goods at instant noodles.
Sa pamamagitan ng Kadiwa online ay maaring makapag-bulk order ang LGUs ng iba’t ibang agriculture items gaya ng gulay at prutas na may maximum waiting time na isang linggo para sa order na produkto.
Sa kasalukuyan ay tanging bulk orders o minimum sa dalawang kilong order ang tinatanggap sa Kadiwa online at mayroong fixed delivery na isandaang piso.