UMABOT na sa mahigit isang milyon ang kaso na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo ayon sa website ng Global Tracker na nasa 1,015,466 na ang bilang ng mga nagkaroon ng impeksyon sa buong mundo.
Samantala, nangunguna na sa listahan ang bansang Amerika na mayroong mahigit dalawang daang libong kaso, ngunit ang Italy pa rin ang may pinaka maraming nasawi sanhi ng virus na may mahigit labing tatlong libong fatalities, pangalawa naman ang China na mayroong mahigit sampung libong nasawi sanhi ng COVID-19.
Sa ngayon, mahigit limampunglibo na ang nasawi sa buong mundo at mahigit dalawang daang libo naman ang naka-recover.
Samantala, nasa pang-tatlumpo’t isa na ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo na mayroong halos tatlong libong kaso na.