MELROSE MANUEL
NADAGDAGAN pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, umaabot na sa dalawang libo animnadaan at tatlumpu’t tatlo ang positive cases sa bansa.
Mula sa nasabing bilang, limampu’t isa na dito ang gumaling sa sakit matapos ang gamutan at quarantine procedure.
Habang nadagdagan naman ng labing isa ang mga nasasawi sa coronavirus.
Dahil dito, pumalo na sa isandaan at pito ang bilang ng mortality dahil sa COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, patuloy pa rin ang assessment ng ahensya kasama ang inter-agency task force sa epekto ng ipinatutupad na enhanced community quarantine, sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.