YNA MORTEL
UMABOT na sa 942 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ayon sa datos ng Department of Health kung saan 747 ay may kumpletong address sa lungsod habang nasa 597 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Umakyat na rin sa 61 ang bilang ng mga nasawi, nasa 64 na ang nakarekober sa sakit at nasa 472 ang active o recovering cases.
Mayroon din ang lungsod ng 102 na suspected cases na kabilang sa contact traced habang nasa 31 pa ring barangay sa Quezon City ang napasailalim sa extreme enhanced community quarantine, kabilang dito ang Maharlika, San Isidro Labrador, at Teachers Village West kahit wala nang naitalang active cases dito.