NAG online concert ang sikat na disney singer, international theater actress na si Lea Salonga para sa mga frontliner ng bansa.
Nakalikom ito ng nasa isang milyon at walong daang libong piso na ibibigay niya sa mga healthworker na lumalaban kontra COVID-19.
Sa loob pa lamang ng sampung minuto nasa mahigit, isangdaang libo na ang nalikom nito, at umabot nga sa mahigit isang milyon sa last session ng kanyang online concert.
Umabot din sa halos isang oras ang nasabing online concert for a cause.