CRESILYN CATARONG
SANG-AYON ang League of Provinces of the Philippines o LPP na papalawigin pa ang ipinaiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., mas mainam na palawigin ito dahil marami na ang confirmed COVID-19 cases sa bansa.
Dagdag pa ni Velasco, maaari namang mag-operate na ulit ang mga kumpanya ng pagkain at medical supply basta sisiguraduhin lang nitong sumailalim sila sa COVID-19 testing.
Nauna nang sinabi ng University of the Philippines COVID-19 pandemic response team na nakatutulong ang community quarantine para ma-control ang paglaganap ng COVID-19.
Tinatayang aabot sa 600, 000 hanggang 1.4 million katao ang maapektuhan ng sakit kung hindi ipinatupad ang ECQ.