TERRIJANE BUMANLAG
INILABAS na ng Palasyo ang listahan ng mga lugar na mananatili sa muling pinalawig na enhanced community quarantine mula May 1 hanggang 15.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ay ang: National Capital Region, Central Luzon maliban lang sa probinsya ng Aurora, Calabarzon, Pangasinan, Benguet, Baguio City, Iloilo Province, Cebu Province kabilang ang Cebu City at Davao City.