MELROSE MANUEL
TUMAAS pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod ng Marikina na may apatnaput lima.
Sa datos ng Marikina Health Office, may siyam nang nasawi habang anim naman ang nakarekober sa sakit.
Kinumpirma naman ng lungsod na walang community transmission sa kanilang komunidad dahil karamihan sa nahawa sa COVID-19 ay may travel history sa ibang bansa habang nahawaan ang iba sa mga ospital at call center na pinapasukan.
Dahil dito, mahigpit na pinapayuhan ng lokal ng pamahalaan ng Marikina ang publiko na manatili sa kanilang mga pamamahay at iwasang pumunta sa matataong lugar at sa mga lugar na may mataas na kaso ng sakit habang umiiral ang enhanced community quarantine.