SAM GUTTIEREZ
NAGBIGAY ng warning ang manager ng aktres na si Marian Rivera na si Rams David sa isang fake account users.
Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang fake account gamit ang pangalan at litrato ni Marian.
Ayon sa manager ng aktres, nalulungkot ito dahil sa kabila ng lahat ng mga pangyayari sa bansa ay may mga tao pa ring manloloko.
Gamit ang fake account, nanghihikayat umano ang user na ibigay ang buong detalye sa mga nais makatanggap ng tulong na apektado ng COVID-19 crisis.
Agad naman na namonitor ng panig ng aktres ang naturang fake account at hinikayat na huwag basta-bastang maniniwala at magbigay ng pangalan o ano mang account details sa hindi kilalang tao.