TERRIJANE BUMANLAG
TARGET ng pamahalaan na simulan sa susunod na linggo ang mass testing para sa mga persons under investigation o PUI at person under monitoring o PUM.
Ito ang sinabi ni Presidential Adviser for Peace Sec. Carlito Galvez, ang tumatayong Chief Implementer of the National Action Plan (NAP) against COVID-19.
Ayon kay Galvez, bunsod ito ng pag-apruba ng Research Institute on Tropical Medicine (RITM) sa accreditation ng siyam na ospital para maging pasilidad ng COVID-19 testing.
Ayon sa opisyal, target nilang simulan ang massive COVID-19 testing sa Abril a-14, pagkatapos ng implementasyon ng enhanced community quarantine.