POL MONTIBON
BUKAS na gaganapin ang mass testing sa halos 8,700 katao sa Metro Manila na pinaghihinalaang may COVID-19.
Napagkasunduan ito ng mga metro mayors kasama ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at mga testing laboratories.
Wika ni National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., uunahin ang mass testing sa Metro Manila na epicenter ng pandemic na virus.
Ani Galvez na ang gagamitin sa mass testing ang polymerase chain reaction o PCR sa mga person under investigation o PUI o mga suspected cases at person under monitoring o PUM o yung mga probable.
Dagdag pa ni Galvez, matapos na makuha na ang mga possible carriers ng virus ay medyo may kumpiyansa na para magluwag ng konti dahil kritikal ang mass testing.