MARGOT GONZALES
SINIMULAN na ang mass testing sa lungsod ng Valenzuela bilang hakbang para labanan ang pagkalat ng coronavirus sa Pilipinas katuwang sa paglulunsad ang The Medical City at Lung Center of The Philippines (LCP).
Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, nais nila na magkaroon ang syudad ng mas malinaw na impormasyon sa krisis sa oras na matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 30.
Tiniyak naman ni City Pathologist Amelia Fibra na kayang mag-proseso ng dalawampu’t limang samples kada araw na maaaring abutin ng dalawa hanggang tatlong araw bago lumabas ang resulta kung saan mayroon nang 36 confirmed cases sa Valenzuela, 242 PUIs at 295 naman ang PUMs.