MARGOT GONZALES
AARESTUHIN ang mga alkalde sa buong bansa na hindi magpapatupad ng social distancing kaugnay sa ipinapatupad na lockdown bunsod ng COVID-19.
Sinabi ni pangulo kagabi na kapag naaktuhan niya at nakitang maraming mga tao ang hindi sumusunod sa social distancing ay hindi ito magdadalawang isip na arestuhin ang mga alkalde.
Muling nagpaalala ang Pangulo sa publiko na manatili na lamang sa kanilang bahay at sundin ang mga ipinatutupad na quarantine protocol.