TERRIJANE BUMANLAG
BINILAAN ni Senator Bong Go ang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) na maaaring hindi na muli makatanggap ng ayuda kung gagamitin lamang nila ang pera sa mga iligal na gawain.
Ito ang naging banta ng senador matapos may mga napabalitang ginamit lamang ang financial aid sa pagbili ng iligal na droga at pagtaya sa sabong.
Dagdag pa ni Go na huwag sanang sayangin ng taumbayan ang ibinibigay na tulong ng pamahalaan bagkus ipambili na lamang ng kanilang mga pangangailangan.
Giit pa ni Go na maging responsable sana ang lahat ng nakatatanggap ng tulong dahil marami sa ating mga kababayan ay naghihirap na.