CRESILYN CATARONG
SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ring sumailalim sa 14-day quarantine ang isang pasyente na gumaling na sa COVID-19 para masiguro na hindi makahawa kung saka-sakali na pag-uwi niya ay magkaroon pa ulit ng positive na test.
Aniya maaari nang pauwiin galing ospital ang mga suspected case kung magne-negatibo sila sa COVID-19 testing kung saan indikasyon din daw na pwede na i-discharge sa pagamutan ang isang suspected case kung bumuti ang lagay nito, gaya ng pagkawala ng ubo at iba pang sintomas.
Pwede na ring umuwi ang isang confirmed patient kung nag-negative siya sa testing gamit ang RT-PCR kits.