KATHY VILLANUEVA
HINDI bibigyan ng libreng hospitalization ang sinumang mamamayan ng lungsod ng Davao na susuway sa mga protocol sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) ayon kay Davao Mayor Sara Duterte.
Bunsod ito ng dumaraming sasakyan ang bumabiyahe sa lungsod sa kabila nang pinapatupad ng curfew hour.
Matatandaang, nagpatupad na rin ng enhanced community qurantine ang Davao City upang maiwasan ang pagkalat nang kinatatakutang virus.
Samantala, ilalagay ni Mayor Sara ang kanyang isang taon na sweldo sa isang trust fund ng lungsod para matulungan ang mga frontliner sa Davao City na lumalaban sa COVID-19.