TERRIJANE BUMANLAG
TUTULUNGAN ng mababang kapulungan ng kongreso ang mga maliliit na negosyo sa bansa gamit ang 2021 proposed national budget.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano na bagama’t pinaplano pa lang ang pambansang pondo para sa susunod na taon, plano nila na ngayon pa lang ay matulungan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Isa umano ang MSMEs sa mga nagdusa ng husto sa epekto ng COVID-19 pandemic kung kaya isinusulong sa Kamara ang P370-billion fiscal stimulus package para masolusyunan ang impact ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa at para matiyak na rin na makapag-operate pa rin ang mga negosyo pagkatapos ng krisis.