MARGOT GONZALES
UMAABOT na sa isang milyon ang apektadong mga manggagawa ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 base sa rekord ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Maliban sa pagkakasakit, maraming mga trabahador ang nawalan ng kabuhayan dahil sa community lockdown, ayon pa sa ahensya na karamihan sa mga ito ay nanggaling sa Metro Manila, na sinusundan naman ng Central Luzon.