HANNAH JANE SNACHO
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaniyang ipababaril sa mga kapulisan at sundalo ang sinumang manggugulo sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Sa kaniyang talumpati kagabi sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na ito ang kaniyang gagawin kapag nalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga nagpapatupad ng batas.
Tiniyak ng Pangulo na handa ang mga kapulisan at sundalo na magpatupad ng katahimikan sa ipinapatupad na lockdown.
Magugunitang aabot sa dalawampung indibidwal na nagsasagawa ng kilos protesta ang inaresto matapos pumalag sa mga kapulisan sa Quezon City.