CHERRY LIGHT
UMABOT na sa 69 ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore ayon kay Philippine Consul General in Singapore Adrian Bernie Candolada kung saan 37 dito ang nakarekober habang nasa 32 ang nanatiling nasa mga ospital.
Wala naman aniyang mga Pinoy ang kinailangang ipasok sa intensive care unit o ICU.
Aniya nasa 200,000 Pinoy ang nasa Singapore kung saan halos kalahati dito ay mga domestic helper.