JAMES LUIS
Â
ISUSUKO ng Miami Marlins CEO na si Derek Jeter ang kanyang sweldo upang makatulong sa Marlins, ito ay ayon sa mga lumalabas na balita na kinumpirma ng isang hindi kilalang tao sa The Associated Press.
Sinabi ng hindi kilalang tao na ang mga miyembro ng Marlins’ executive team ay nagkaisa na bawasan muna ang kanilang sariling sweldo.
Samantala, ang mga baseball operations personnel ay patuloy parin na makatatanggap ng buong sweldo hanggang Mayo a-31.
Matatandaan na ang Major League Baseball (MLB) spring training ay isinuspinde noong nakaraang Marso a-12 at pati na rin ang panimula ng season noong Marso a-26 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.