MELODY NUÑEZ
NAG-DONATE si Mika Dela Cruz ng mga face shield sa mga frontliners na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang instagram, ibinahagi ng dating childstar ang ginawa nitong mga face shields at ibinigay ito ng personal sa mga frontliners. Kabilang dito ang mga security guards, checkpoint personnel at maging sa mga crew ng isang fastfood chain sa Malabon.
Ayon kay Mika, ito ang kanyang simpleng tulong upang maprotektahan ang mga frontliners sa kumakalat na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dagdag nito, masarap sa pakiramdam at nakakataba ng puso ang pagtulong sa mga selfless frontliners na araw araw ay nakikipagsapalaran para sa atin.