CHERRY LIGHT
UMABOT na sa 19,466 Overseas Filipino Workers ang nailikas sa bansa simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Wika ni Foreign Affairs Assistant Secretary Brigido Dulay na libu-libo pang OFWs ang nakatakdang ibalik sa bansa kung saan mas dumami aniya ang nakabalik sa bansa buhat nang ipatupad ang enhanced community quarantine o ECQ.
Aniya, mula sa higit labing siyam na libong nailikas na OFWs, nasa 15,130 ang nakabalik na seafarers na mula sa 75 cruise ships samantalang ang land-bases OFWs naman ay nasa 4,336.
Lahat umano ng mga nakabalik sa OFWs ay kinakailangang dumaan sa 14-days quarantine.